Tuesday, January 27, 2009

Chapter 01 - Scene 03

Scene 03

Isang gabi sa maganda at eleganteng restaurant.
Ipinakita and relo ni Elton at ang oras, quarter to nine.
Ipinakita ang inis at galit na mukha nito mag-isa sa lamesa at nag-aantay.
Dumating si Ian papalapit kay Elton maganda sa elegante nitong damit at paglalakad.
Itsurang pinaghalong inis at galit ang mukha ni Elton ng makita si Ian dahan-dahan naglalakad papunta sa kanya.
Mula sa pagkembot ng puwet nito sa paglalakad hanggang sa pag-upo nito sa harap ni Elton at mapang-asar na ngiti, tila nang-iinis.
Elton (inis)
- Hindi ba sinabi ng sekretarya mo na alas-siyete ang meeting natin?
Ian (nang-iinis / nanglalandi)
- Nasabi niya---
- Yun nga lang hindi ko pinansin,
- Bakit ngayon sekretarya mo na ang tumatawag sa akin, dati lagging ikaw ang tumatawag for a meeting.
- Mas gusto ko sana kung ikaw!
Elton (nam-bara)
- Bakit hanggang ngayon ba umaasa ka parin Ian?


Nawala ang mapang-asar na ngiti ni Ian, tinamaan sa sinabi ni Elton, uminom ng alak at nainis na ang mukha nito.
Ipinakita ang tila napangiting mukha ni Elton sa pang-babara kay Ian.
Pinili ni Ian na alisin ang inis na mukha at ibinalik ang mapang-asar na ngiti.
Ian (nang-iinis)
- Bakit hindi ka yata nagmamaka-awa ngayon para sa kumpanya mo?
- Magagalit si M.J. niyan hindi mo sinusunod at ginagawa ang trabaho mo!
(mapang-asar na ngumiti)

Nanatili ang nang-iinis na ngiti ni Elton at tila pina-guwapo nito ang mukha at bumulong malapit kay Ian.
Elton (mahinang tinig)
- Kaya mo ba tinatanggihan ang S Telecoms para lagi tayong magkita ng ganito?

Tuluyan ng nainid si Ian at tumayo ito para umalis napigilan ng mag-salita muli sa Elton.
Elton (nagpaliwanag)
- Niyaya lang kita sa meeting na ito para personal kong sabihin sa iyo na hindi ka na anmin pipilitin na kunin ang mga artista mo para sa ads naming.
- Ito na ang huli nating meeting Ian!

Natigilan si Ian at tila nalungkot sa narinig, nanatili itong nakatayo nakatingin kay Elton.
Elton (pagpapatuloy)
- Kung ano man ang dahilan mo para tanggihan ang S Telecoms!
- Kung galit ka man sa ginawa nila sa iyo noon o kung gusto mo lang akong makita ng madalas---
- Hanggang ditto nalang ang lahat ng iyon Ian!


Tila may lungkot sa mga mata ni Ian di mapigil ang gumigilid na luha sa mga mata nakatingin kay Elton.
Elton (pagpapatuloy)
- Pipilitin ko ang S Telecoms na kuhain si Hanna Garcia para maging endorser naming.

Natigilan si Ian at tila bumalik ang sigla nito at nang-iinis na tumawa, muling umupo sa harap ni Elton.
Ian (masaya / nang-aasar)
- Kukuha kayo ng M-Actress para maging endorser ninyo?
- Ganyan ka na ba ka-desperado Elton at ang kumpanya mo para gawin yun?
- Sige na nga Elton,
- Dahil may pinagsamahan naman tayo at ang kumpanya nyo bibigyan ko na kayo ng artista, pero hindi si Shana Galvez hah…
- Siguro si Leah Madrid nalang siya yung pangalawa sa pinak sikat kong artista.
Elton (nagmatigas)
- Hindi na Ian, hindi na naming kailangan sino man sa mga artista mo!
Ian (nabigla)
- So desidido ka nga Elton?
- Alam na ba ng S Telecoms at ni M.J. ang plano mo?
Elton (desidido)
- Ako ng bahala doon, pipilitin ko sila hanggang sa pumayag sila,
- Huwag lang na paulit-ulit tayong magkita ng ganito…


Natigilan si Ian at tuluyan ng nainis at napuno ng galit.
Ian (galit / sumisigaw)
- So anong pinapalabas mo?
- Ginaganyan mo ako gayung sa mga katulad ko rin naman ikaw hihingi ng tulong.
- Sige lang kumuha ka ng mga M-Actress, tignan natin kung ano ang magiging kalabasan ng kumpanya mo!

Pinagtitinginan na ng lahat sina Elton at Ian, tumayo na si Elton para umalis sa kahihiyan.
Ian (pahabol bago tuluyan ng umalis si Elton)
- Siguradong magiging katawa-tawa ang lahat. (humalakhak)

Natigilan si Elton at bumalik sa table ni Ian, tumayo sa harap nito at kalmadong may sinabi.
Elton (kalmado)
- Ano bang nangyari sa iyo sa ibang bansa Ian?
- Bakit bumalik ka ng ganito?
- Hindi na kita kilala…


Natigilan si Ian sa sinabi ni Elton at tuluyan ng gumilid ang luha sa mata nito, tila nakonsensiya.
Elton (pagpapatuloy)
- Kung tanggap na siguro noon ang mga M-Actress,
- Siguro naging isa na sa kanila ang dating Ian!


Sa pagtalikod ni Elton at tuluyan ng pag-alis, din a napigil ni ian ang pagtulo ng luha, nasaktan sa sinabi ni Elton, tumititig sa kawalan.

Sunday, January 25, 2009

Chapter 01 - Scene 02

Scene 02

Isang tanghali sa business capital Makati. (Ipinakita ang mga matataas na building). Sa isang opisina ipinakita ang pangalan ng S Telecoms. Sa isang opisina ipinakita ang pangalan sa harap ng lamesa at ang matandang nakaupo sa harap nito.
“CEO - M.J. Santos”

M.J. (galit)
- sa ikaapat na pagkakataon tinaggihan nanaman tayo ni Ian.
Ipinakita ang nasa harap nito isang may edad narin ngunit guwapong lalaki, mukhang inis at nagpapaliwanag.
Elton (kalmado)
- Bakit ho kasi pinagpipilitan natin ang agency na iyon na mag-provide sa atin ng mga artista for our ads.
- Malaki naman ang entertainment industry ng bansa siguradong meron pa tayong ibang artista na makukuha.

Lalong nagalit ang mukha ni M.J. sa paliwanag at sinabi ni Elton.
M.J. (galit)
- Alam mo ba yang sinasabi mo Elton?
- And lahat ng mga sikat na artista at modelo ay hawak ni Ian at nasa utos niya.
- Kung may makukuha man tayong ibang artista na hindi niya hawak, starlet yun o M-Actress.
Elton (napaisip at nag-rason)
- Bakit hindi Mam!
- Ang mga M-Actress ang mga sumisikat ngayon,
- Nabalitaan ko na kuha nila ang simpatya ng masa at ng idustriya.
- Bakit hindi ho natin subukan mam, more companies are hiring M-Actress for their ads and yet their supported and claiming income.
M.J. (irita)
- Ano bang sinasabi mo Elton?
- Malaking kumapanya ang S Telecom at hindi ako susugal…
Elton (mapilit)
- No Mam, think again---
- Hindi na pangit o negatibo ang tingin ng tao ngayon sa M-Actress,
- Makabago na ang panahon ngayon at lubusan na silang tinanggap ng lipunan.
- Kung makukuha nating maisponsoran ang pinaka-sikat na M-Actress tulad ni Hannah Garcia, hindi na natin kailangan pang mag-makaawa kay Ian!
- Like other company na gumamit ng M-Actress as their endorser malalaman ng mga tao na tanggap natin sila at kikita pa tayo dahil in-demand talaga sila.
- Ito pa Mam, makakabawi pa tayo kay Ian dahil hindi na natin kailangan ang mga artista niya dahil may mas sikat pa tayong endorser kaysa sa mga artista niya.
M.J. (bored)
- Tapos ka na ba Elton?
- Makipag-set ka ng dinner kay Ian!
- Gumawa ka ng paraan para makuha nating endorser si Shana Galvez.


Ipinakita si Elton tinitimpi ang inis at galit, umiwas at lumabas ng opisina isinara ang pinto. Sa labas nito dinaanan ni Elton ang isang malaking T.V. kung saan ipinakita ang isang magandang M-Actress sa commercial. (parehong M-Actress sa magazine sa table ni Ian)

Chapter 01 - Scene 01

(Start)
(Chapter 01 - "Ian")


Scene 01
Ipinakita ang mga kamay ng tila matandang lalaki binubuksan nito ang sulat, pinunit ang gilid nito at inilabas ang sulat, binasa.
Ipinakita ang nagbabasa, isang may edad na lalaking bakla sa elegante nitong itsura, mukhang professional at mayaman.
Napangiti ng mapusok ang may mga guhit ng katandaan nitong mukha.
Kinuha nito ang telepono at tumawag sa sekretarya niya.
Sekretarya (sa kabilang linya)
- yes, mam Ian!!!
Ian (masayang tinig)
- Tulad ng dati sabihin mo sa S Telecoms na hindi puwede ang sinumang artista natin.
Ibinaba ang telepono patuloy ang Masaya at tuso nitong ngiti.
Ipinakita ang kabuohan ng opisina at ang panagalan nito sa pader sa likod ni Ian.
“Dream Agency”
At ang pangalan ng may ari at presidente nito sa harap ng lamesa.
“Christian “Ian” Santos – President”
Ibinagsak ang sulat sa lamesa sa ilalim ng magazine kung saan nakalarawan ang isang magandang babae, isang M-Actress.

Opening - Scene 02

(Title)
(Casting)

(hindi ipinakita sa lahat ng eksena kung sino ang matandang lalaki)
(Flash Scene 01)
Sa banyo, sa lababo---hinuhugasan ng mga kamay panlalaki at may edad na ang isang malaki at makapal na kandila. (Dalawang dangkal ang laki at isang kamao ang kapal)
Dumadaloy sa tubig ang dugo habang patuloy ang paghugas sa kandila.

(pinatugtug ang mabilis na orchestra music habang naglilinis)
(Flash Scene 02)
Binuksan ang ilaw sa living room, ipinakita ang malaking kuwarto magulo at puno ng mantsa ng dugo ang paligid. Ipinakita ang mantsa ng dugo sa sofa, carpet at sa front table.

(Flash Scene 03)
Kinuha ang mga may mantsa na gamit, mula sa sofa cover at carpet. Pinunasan ng basahan ang frnt table kumalat ang mantsa ng dugo sa pagkuskus.

(Flash Scene 04)
Sa banyo inihagis ang lahat ng mga may mantsang sofa cover, carpet at mga basahang ginamit sa pagkuskus. Binuhusan ito ng tubig at kumalat ang dugo kasabay ng agos ng tubig. Binuhusan ito ng sabon kinalat sa mga may mantsang tela. Yumuko at kinuskus ng mga kamay ang lahat ng may mansta, nagmamadali.
Naghanap sa paligid nakita ang toothbrush, kinuha ito at pinagkuskus sa mga telang may mantsa. Mabilis sa pagkuskus ngunit tila nahirapan at galit itong hinagis.
Sandaling tumigil tila naiyak ang matanda, umikot uli ito at naghanap, nakita sa sulok ang malaking brush panlaba, kinuha ito at muling nagkukuskus nagmamadali.

(Flash Scene 05)
Naglatag ng bagong carpet, nagmamadali inapakan ito at pinatag.
Pinalitan ng cover ang sofa, naipit ang kamay nito at nasaktan, napamura at nagpatuloy sa pagpapalit.
Ipinatong ang kandilang nahugasan na sa malinis ng front table inyos para maging pantay.
Ipinakita ang living room mula sa kaliwa papuntang kanan, malinis na at napaka-ganda.
Sandaling tumigil, at pinatay ang ilaw---dumilim bahadya ang buong kuwarto.
Isinara ang pinto at tuluyan ng dumilim.
Kumidlat at lumiwanag sandali ang kuwarto, sa pagtatapos ng kidlat muli napuno ito ng dilim.

Opening - Scene 01

(Opening)

Malakas ang ulan sa harap ng isang residential building, isang madilim na gabi. Kumulog at sandaling lumiwanag and harap ng building---
Sa harap nito ipinakita ang isang matandang lalaki nakatalikod naka suot pambabae. (eleganteng damit)
Dahan-dahan itong naglakad papasok sa building. (nakatalikod)
Patuloy ang malakas na kulog at pakurap-kurap na liwanag ng kidlat.
Walang tigil ang patak ng malakas na ulan.
Ilang hankbang pa nadulas and lalaki, lumagapak ang puwet nito sa semento.
Nasaktan ang lalaki nakaupo sa semento tila umiiyak, patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan kasabay ng kulog at kidlat.
 
online counter