(Nakaraan)
Ipinakita ang S-Telecom building, sumunod na ipinakita ang opisina ni M.J.. Ipinakita si ang medyo bata pang si M.J. may ini-interview. Nakatalikod ang ini-interview suot ang panlalaking pormal na damit at maiksi nitong pang-lalaking buhok. Ipinakita ang ini-interview ang batang si Ian, guwapo at lalaking lalaki ang itsura.
M.J. (seryoso)
- you know what, I don’t like your personality!!!Walang kagatol-gatol si M.J. na sinabi ito. Natigilan si Ian sa narinig nagulat at napahiya.
M.J. (seryoso / nagpatuloy)
- siguro kaya walang tumatanggap sa iyong trabaho because of that.Patuloy pang nagsalita si M.J. ng masasakit ngunit parang nawala ang boses nito kay Ian, hindi na ito marinig ngunit patuloy parin natuon ang atensiyon nito ditto, tinatanggap ang bawat sinasabi.
M.J.
- sige pag may nag-back out sa mga newly hire, I’ll take you,- that’s if may nag-back out…
Narinig na ni Ian ang huling sinabi nito, napangiti si Ian sa tila nakabitin na pag-asa.
Ian (masaya)
- salamat po, salamat…M.J. (nagpaalala)
- no, no everything uncertain for now…- hindi ka pa hire, ang sabi ko pag may nag-back out.
Ian (masaya)
- naiintindihan kop o, at salamat po,- kahit papaano po may pag-asa na magka-trabaho po ako.
- tanong ko lang po, (nahiya ngunit nag-tanong narin)
- akala ko po hindi ninyo ako gusto,
- bakit ninyo po ako binigyan ng pag-asa.
M.J. (seryoso)
- kasi mukha kang tatanga-tanga at masunurin…Napangiti nalang si Ian kahit tila nainsulto ang pagkatao niya.