Tuesday, March 17, 2009

(Scene 03)

(Nakaraan)


Ipinakita ang S-Telecom building, sumunod na ipinakita ang opisina ni M.J.. Ipinakita si ang medyo bata pang si M.J. may ini-interview. Nakatalikod ang ini-interview suot ang panlalaking pormal na damit at maiksi nitong pang-lalaking buhok. Ipinakita ang ini-interview ang batang si Ian, guwapo at lalaking lalaki ang itsura.
M.J. (seryoso)
- you know what, I don’t like your personality!!!


Walang kagatol-gatol si M.J. na sinabi ito. Natigilan si Ian sa narinig nagulat at napahiya.
M.J. (seryoso / nagpatuloy)
- siguro kaya walang tumatanggap sa iyong trabaho because of that.


Patuloy pang nagsalita si M.J. ng masasakit ngunit parang nawala ang boses nito kay Ian, hindi na ito marinig ngunit patuloy parin natuon ang atensiyon nito ditto, tinatanggap ang bawat sinasabi.
M.J.
- sige pag may nag-back out sa mga newly hire, I’ll take you,
- that’s if may nag-back out…


Narinig na ni Ian ang huling sinabi nito, napangiti si Ian sa tila nakabitin na pag-asa.
Ian (masaya)
- salamat po, salamat…
M.J. (nagpaalala)
- no, no everything uncertain for now…
- hindi ka pa hire, ang sabi ko pag may nag-back out.
Ian (masaya)
- naiintindihan kop o, at salamat po,
- kahit papaano po may pag-asa na magka-trabaho po ako.
- tanong ko lang po, (nahiya ngunit nag-tanong narin)
- akala ko po hindi ninyo ako gusto,
- bakit ninyo po ako binigyan ng pag-asa.
M.J. (seryoso)
- kasi mukha kang tatanga-tanga at masunurin…


Napangiti nalang si Ian kahit tila nainsulto ang pagkatao niya.

Chapter 03 - Scene 02

(Scene 02)


 
Sa opisina ni Ian, kina-usap nito si Ayan. Nakaupo si Ian sa upuan nito natatayo sa harap nito sa table si Ayan.
Ian (bossy)
- ngayong araw din na ito ka mag-sisimula.


Ipinakita si Ayan nagulat sa narinig.
Ian (pagpapatuloy)
- ang pag-aartista maraming hirap, pagod at sakripisyo---
- bago mo marating ang kasikatang hinahangad moh.
- marunong ka bang umarte, kumanta, sumayaw o mag-model?
Ayan (nahiya)
- sa totoo po niyan, hindi kop o pinangarap maging artista,
- gusto ko lang ng normal na buhay,
- maayos na trabaho, maka-tulong sa pamilya ko
- at kung papalarin gusto ko sanang makapag-asawa.
Ian (sumingit / napangiti)
- hindi siguro babae ang iniisip mong mapangasawa?


Tila napahiya si Ayan sa sarkastikong pag-ngiti ni Ian, napayuko nalang ito.
Ian
- sorry Ayan…
- sa totoo lang ganyan din ako dati,
- gusto kong makatulong sa pamilya ko at mag-ilusyon na may lalaking ituturing ako na asawa,
- isang normal na buhay sa hindi normal na tulad ko---
- tulad natin…

Tila nalungkot si Ian sa sinabi. Si Ayan naman ay inangat ang ulo at malungkot na tumingin kay Ian.
Ian (malungkot)
- bago ka mabulag ng mga pangarap at ilusyon mo,
- gusto kong wag kang umasa na mangyayari sa iyo ang mga pangarap mo---
- o magka-totoo ang mga ilusyon mo.
- dahil sa umpisa palang na sinilang tayo,
- ang mga tulad natin---
- ipinag-kait na sa atin ang dapat sanang ikaliligaya natin…


Naipon ang pinipigil na luha ni Ian saka tumulo sa pag-pikit nito ngunit madaling pinahid at ikinubli. Tila naintindihan ito ni Ayan malungkot na napatingin kay Ian. Mabilis na pinahid ni Ian ang mga luha at kinalma ang sarili, muling kina-usap si Ayan.
Ian
- sige, mukha namang mag-sisimula tayo sa umpisa sa iyo.
- for 6 months bago ka i-launch na artista ng “Dream Agency”,
- kailangan mo ng workshop, sa singing, dancing, acting at modeling.
- for 6 months you’ll be relocated sa condominium na malapit dito.
- for 6 months condo at workshop lang ang pupuntahan mo.
- magpa-alam ka na sa pamilya mo dahil sa 6 na buwan na iyon dapat ang lahat ng atensiyon mo ay nasa workshop.
- that means you can’t be distracted by your family or anyone---
- no connection at all,
- ok ba yun!!!


Tila nalungkot si Ayan sa narinig ngunit tinaggap ito at tumango.
Ian (nagtataka)
- kung wala sa intensiyon mo ang pagiging artista,
- well then bakit ka nandito?
Ayan (malungkot)
- wala ho kasing trabahong tumatanggap sa akin!!!


Natigilan si Ian tila may naalala sa narinig mula kay Ayan. Si Ayan tila nahihiya, may gusting itanong.
Ayan (nahihiya)
- itatanong ko lang ho,
- marami naman pong maganda at mas may potensiyan kaysa sa akin,
- bakit ho ako pa ang napili ninyo?


Napangiti si Ian tila may naalalang parehong sitwasyon at tumingin kay Ayan, seryoso.
Ian
- mukha ka kasing tatanga-tanga at masunurin…

Saturday, March 7, 2009

Chapter 03 - Scene 01

(Chapter 03 : Ayan)



(Scene 01)
Isang umaga, naglalakad si Ian sa hallway ng kumpanya, bossy at itsurang maldita---kasunod nito sa likuran ang magandang si Ayan, mahiyain at itsurang mabait. Lahat ng nakakita kay Ayan ay nagagandahan, at yumuyuko pag-nakikita si Ian.
Ian
- simula sa araw na ito, ituring mo ng parang pangalawang bahay mo na ito,
- ito na ang naging bahay at buhay ko.
- makakamit mo ang tagumpay na hinahangad mo basta---
Huminto sa paglalakad at hinarap si Ayan. Nabigla si Ayan ngunit tinignan parin ng diretso si Ian.
Ian (pagpapatuloy)
- susundin mo lang ang mga ipagagawa ko sa iyo.
Ayan (may takot)
- sige po...
Dumating si Anne at natuwa ng makita si Ian at kaharap nitong si Ayan.
Anne (masaya)
- salamat Ian at nakinig ka rin sa akin, patingin nga---
Pinaharap sa kanya si Ayan at pina-ikot, tila naguluhan si Ayan sa mga nangyayari. Tinignan ni Anne ng malapitan sa mukha si Ayan, at pinagmasdan ito mula ulo hanggang paa.
Anne (masaya)
- maganda, maganda talaga,
- payat, hindi na natin kailangan pang papayatin,
- yung buhok pahabain nalang natin ng konti---
- grabe, gusto ko siya Ian---
Hinarap si Ian ni Anne at masaya itong binati.
Anne (masaya)
- hindi ka parin kumukupas Ian, magaling ka paring mag-hanap ng talent.
- so ano ibe-brief ko na siya sa mga gagawin at ihahanda ang kontrata?
Ian (mabilis sumabat)
- hindi Anne, gusto ko personnal ko siyang ma-handle...
- marami akong plano para kay Ayan!!!
Natigilan si Anne naka-tingin kay Ian.
Anne (nagtataka)
- ang ibig mong sabihin sa iyo siya directly,
- i mean ikaw personally ang mag-mamanage sa kanya.
Ian (desididong tumango)
- ganon na nga...
- sa akin directly mag-rereport si Ayan.
- ako ang gagawa ng booking niya, makikipag-usap sa mga cliente niya at gagawa ng reports,
- all and everything about her.
Tila hindi makapaniwala si Anne sa naririnig, nagtatakang nakatingin kay Ian. Si Ayan naman ay itsurang walang idea sa mga nangyayari nakatingin lang sa dalawa.
Anne (natuwa narin)
- good!!!
- the last time you do that eh nung nag-uumpisa palang tayo,
- its really a long time Ian, but I'm sure you can do it.
- if I could be of any help Ian, just let me know ok...
Ngumiti si Anne at tinignan si Ayan, hinawakan ito sa braso at inalalayan papasok sa opisina ni Ian.
Anne (pagpapatuloy)
- sige na iha, pumasok ka na sa opisina.
- ihahanda ko nana yung kontrata.
Pumasok si Ayan sa opisina at sumunod si Ian saka isinara ang pinto. Naiwan si Anne sa labas nag-aalala at tuluyan ng umalis.

Friday, March 6, 2009

Chapter 02 - Scene 07

(Scene 07)

Sa kanang dulong parte ng bus nakaupo si Ian, naka-sandal ang ulo nito sa salaming bintana ng bus malungkot na nakatingin sa labas. Malayo ang isip habang patuloy ang andar ng bus. Ipinakita ang matanda ng mukha nito sa reflection ng salamin, malungkot at tila puno nag hinanakit.

(Insert Scene)
(Chapter 01 - Scene 07)
Sa loob ng bus nakaupo ang batang si Ian sa pinakadulo kung saan siya lang at nag-iisa.Ipinakita ang magandang batang si Ian nakasandal ang ulo nito sa salamin ng bus, nakatingin sa labas ng bus malalim ang iniisip. Ipinakita ang magandang reflection nito sa salamin.

Patuloy ang pag-andar ng bus hanggang unti-unti ng naubos ang laman nito. Ng tila naubos na ang mga pasahero, ipinakita sa kaliwang dulong parte ng bus isang batang magandang bakla---natira kasama ni Ian sa loob ng bus. Tulad ni Ian nakasandal din ang ulo nito sa salamin na bintana ng bus, malayo ang iniisip at tila malungkot din. Ipinakita ang magandang mukha nito sa reflection ng salamin.
Konductor (magalang)
- yung bayad hoh!
Natigilan si Ian sa pagsilip sa labas ng bus at tumingin sa konductor, dinukot ang bulsa at inabot ang limang daang perang papel. Kinuha ng konductor at susuklian.
Konductor (nag-reklamo)
- wala ho bang barya?
Ian
- hindi wagnah,
- kung puwede lang dito lang ako hanggang matapos yung biyahe ninyo!

Nagtaka at nabigla ng konductor, napakamot sa ulo.
Konductor
- eh hanggang dulo nalang po kami...
Ian
- sige hanggang doon nalang din ako...

Tila naguluhan na ang konductor at umalis nalang inisip na baliw si Ian.
Sa pag-alis ng konductor napansin ni Ian ang nasa kabilang upuan ng bus. Isang batang bakla na maganda, nakasandal ang ulo sa salaming bintana ng bus, malalim at tila malungkot din. Naalala ni Ian ang sarili nung siya ay nasa parehong edad din.

(Insert Scene)
(Chapter 01 - Scene 07)
Sa loob ng bus nakaupo ang batang si Ian sa pinakadulo kung saan siya lang at nag-iisa.Ipinakita ang magandang batang si Ian nakasandal ang ulo nito sa salamin ng bus, nakatingin sa labas ng bus malalim ang iniisip. Ipinakita ang magandang reflection nito sa salamin.
Tila pinaghambing ang dalawa, halos parehong-pareho, ngunit mas maganda ang nasa ngayon.

Biglang narinig ang malakas na boses ng konductor.
Konductor (malakas na tinig)
- dulo na hoh!

Nahimasmasan ang batang bakla at binuhat ang malaking bag at tumayo palabas ng bus. Sinundan ito ng tingin ni Ian na tumayo narin para sundan ang bata.
Nabigla ito biglang tumambad sa harap nito ang konductor para iabot ang sukli.
Konductor
- sukli nyo po,
- sa susunod po barya lang...

Ngunit hindi ito pinansin ni Ian hinahabol ng tingin ang bata, hinawi nito ang konductor na natumba at natapon ang pera sa sahig. Kumilansing ang mga barya at hinangin ang mga papel, mabilis na umalis si Ian papalabas ng bus para habulin ang batang bakla.

Sa labas patuloy si Ian sa paghabol sa batang bakla, naabutan ito at hinarang.
Ian
- sandali lang...
Ayan (nabigla)
- bakit ho?
Ian
- gusto mo bang mag-artista iha?

Tila may saya na sa mukha ni Ian habang si Ayan naman ay nagugulat at nagtataka sa mga nangyayari. Ipinakita ang magandang ngiti ni Ian, sa unang pagkakataon at ngumiti ito ng tila puno ng pag-asa.

Chapter 02 - Scene 06

(Scene 06)

(Kasalukuyan)
Sa labas ng parking lot ipinakita si Ian nakatayo tila tulala at wala sa sarili, habang patuloy ang pagdaan ng mga sasakyan sa harap nito. Humihinto ang mga taxi ngunit hindi nito pinapansin. Maya-maya ay may humintong bus sa harap nito at bumukas ang pinto. Ngunit patuloy parin na tulala si Ian, hindi alintana ang nag-aantay na bus.
Driver (malakas na boses)
- ano ba sasakay ka ba?
Tila nahimasmasan si Ian at napatingin sa driver ng bus, nagulat ito ng makita ang bus sa harap niya. Bumusina ang sasakyan sa likod ng bus at nagulat si Ian.
Driver (malakas na boses)
- anak ng puta, bahala ka na nga diyan!
Saktong sasara na ang pintuan ng bus ng harangin ito ni Ian at sumakay ng bus.

Chapter 02 - Scene 05

(Chapter 05)

(Nakaraan - Pagpapatuloy)
Ipinakita si Ian biglang sinampal ng malakas, tumagilid ang mukha nito sa lakad ng sampal. At sumigaw ng cut ang director.
Director (sumigaw)
- cut!!!

Ipinakita ang ang kabuohan ng shooting si Ian at ang actress na si Dina sa harap ng malaking production crew nagsho-shooting.
Director (malakas na boses)
- masyadong mabilis at malakas yung sampal Dina,
- medyo hinaan mo para makuhaan ng maganda...
Ipinakita si Ian inaayos yung mukha, medyo gumigilid na ang luha at namula ang gilid na mukha nito, ngunit nilabanan at nag-handa parin sa shooting.
Director (malakas na boses)
- o isa pa ha ready, take two Dina...
Ipinakita umayos muli ang lahat at tumahimik ang paligid, lumapit ang eksena kinah Ian at Dinah. Tila handa na ang lahat ng sampalin muli ng mas malakas pa ni Dina si Ian, tumagilid ang mukha nito---sadyang masakit yung sampal.
Director (sumigaw)
- cut, cut, cut...
- Dina, wala pa yung take---
- nasan na ba yung clapper...
Gumulo muli ang shooting, ipinakita ang kabuohan ng set.
Dina (nagreklamo)
- kasi naman kala ko take na, tumahimik na kasi...
- Direk, masakit na po yung kamay koh!
Naglapitan ang karamihan sa mga staff kay Dina may dalang basang basahan para sa kamay nito. Ipinakita si Ian nakatagilid ang mukha, tumulo na ang luha sa pulang-pula nito mukha.
Director (malakas na boses)
- sige break muna...
- oh yung double palitan ng bago baka nasaktan na yan!
Lumayo ang eksena ipinakita ang kabuohan ng shooting. May lumapit na isang staff kay Ian tinanggal ito sa set samantalang sa kabila si Dina pinagkakaguluhan ng mga staff inaalagaan.

Tuesday, March 3, 2009

Chapter 02 - Scene 04

(Scene 04)

(Nakaraan)
Ipinakita ang dalawang matandang lalaki nag-uusap, sa gilid ang batang si Ian maganda at naka-ayos.
Talent Scout (nakiki-usap)
- sige na direk para namang wala tayong pinag-samahan niyan,
- pasok mo ng extra itong bago koh.
Director (problemado)
- sabi ko batang babae hindi bakla,
- magagalit yung producer niyan eh!
Talent Scout
- hindi naman halata di ba?
- ikaw nga hindi mo napansin kung hindi ko sinabi eh!

Ipinakita si Ian nanliliit naririnig sa tabi ang usapan ng dalawa.
Director
- nung malayo hinid ko napansin,
- eh nung lumapit na walang dede kaya halatang bakla.
- eh puro close-up ang shot ko eh!
Talent Scout
- di lagyan natin ng bra tapos lagyan natin ng foam,
- sige na direk, matagal naring walang project ang agency ko! (nagmakaawa)
Director
- ikaw kasi bakit nagdala ka, bakla pa!

Tumingin yung director kay Ian at nilapitan ito, nakatutuk sa mukha nito, kinilatis ng mabuti. Nahiya si Ian pero nilabanan ito at tumingin din sa director.
Talent Scout
- sabi mo kasi maganda eh!
- tignan mo Direk, di ba maganda?
- kung tutuusin nga mas maganda pa yan sa bida mong si Dinah!
Ipinakitang lumiit ang mata ng direktor nakatingin sa mukha ni Ian, lumayo at tumnago pagsang-ayon.
Director
- makapal ba ang mukha mo?
Nabigla si Ian, nagunit matapang na tumango.

Monday, March 2, 2009

Chapter 02 - Scene 03

(Scene 03)

Isang gabi, ipinakita si Ian wala sa sarili naglalakad sa parking lot papunta sa kotse nito.
Ipinakita ang malungkot nitong mukha at basa sa luhang mukha.
Huminto sa may pinto ng kotse, kinuha sa bag ang susi, hindi makita---binaliktad ang bag natapon ang lahat ng laman nito sa sahig.
Yumuko at dinampot ang lahat ng nahulog at ang susi nito, pag-aangat ng mukha natigilan sa nakita sa harap nito.
Ipinakita ang mukha niya may edad na at malungkot nakatingin sa reflection niya sa bintana ng kotse.
Lalong nadagdagan ang lungkot sa mukha nito at tuluyan ng tumulo ang mga luha at napa-upo sa sahid.
Tuluyan na itong bumigay sa pag-iyak.
Ian (umiiyak)
- hindi ako kukuha ng bakla,
- hinding, hindi...

Ipinakita si Ian nakaupo sa semento sa tabi ng kotse nito, umiiyak habang papalayo ang sitwasyon.

Chapter 02 - Scene 02

(Scene 02)

Ipinakita ang comercial ng S-Telecoms si Hanna napaka-ganda hawak ang cellphone.
Mula sa T.V sa opisina ni Ian ipinalalabas ang commercial, hanggang sa ipinakita sina Anne at Ian nanunuod nito.
Ipinakita ang inis at galit sa mukha ni Ian habang pinanunuod ang commercial, umiwas ito at nagbasa nalang ng dyaryo.
Ipinakita sa huling pagkakataon ang magandang mukha ni Hanna at ang S-Telecom na panagalan sa baba ng mukha nito, pagtatapos ng commercial.
Namatay ang T.V., ipinakita si Anne hawak ang remote at tumingin kay Ian tila inis at naninisi ang mga tining nito.
Anne (Inis)
- inutusan ko na yung mga agent natin na maghanap ng mga aspiring M-Actress na puwede nating ipangtapat diyan kay Hanna.

Ipinakita si Ian nagbabasa at tumigil dahan dahang galit na tumingin kay Anne.
Anne
-Hindi ako papayag na maungusan tayo ng ibang artist agency, dahil makitid ang utak ng bussiness partner ko.
- Sa huling check ko tayo ang nagunguna na artist agency sa bansa,
- Pero dahil sa mga M-Actress ng ibang agencies unti-unti na nila tayong naabot.
- Yung S-Telecoms nalang ang tanging company na hindi gumagamit ng M-Actress tinanggihan mo pa, alam mo ba kung magkano ang nalugi sa atin dahil doon.
(kumalma at binanba ang tinig)
- At alam mo rin bang hindi na si Shana ang no. 1 o pinakasikat na artista ngayon.
(kinuha ni Anne ang binabasa ni Ian at isinara ito, ipinakita kay Ian ang front cover si Hanna)

Ipinakita si Ian nakatingin sa magazine kung saan naka-cover ang maganadang si Hanna.
Anne (nagpatuloy sa mahinahong tinig)
- Ian, alam kong pera rang ang ipinuhunan ko sa kumpanyang ito,
- Sa iyo lahat ito resulta ng dugo't pawis mo.
- Yung pera ko pera lang yun pero sa iyo buhay mo ito Ian, hahayaan mo bang mapunta sa wala ang lahat.
- Kailangan nating kumuha ng M-Actress na ipangatatapat kay Hanna, pumayag ka na Ian,
- Please!!!

Ipinakita ang galit na mukha ni Ian nakatingin kay Anne, tumayo ito at kinuha ang bag para umalis.
Magsasalita pa sana si Anne pero napatigil ito ng tumigil din si Ian sa may pinto nakatalikod Kay Anne.
Ian (galit/nanindigan)
- Hindi, hindi ako kukuha ng bakla!!!

Mula sa nakatalikod na si Ian, ipinakita ang mukha nito galit ngunit may bahid na nasasaktan, sabay sa unti-unting pagtulo ng luha nito.
Sabay sa tuluyan na nitong pag-alis at malakas na pagsara sa pinto.

Chapter 02 - Scene 01

(Chapter 02 - "M-Actress")



(Scene 01)
Ipinakita si Elton sa harap ng meeting room, nagsasalita sa harap ng mga executives.
Elton (desidido)
- M- Actress o Makabagong Actress,
- sila yung mga new generations of artist that are making waves in the country...
- ika nga nila lahat ng bagay ay nag-eevolve---
- at sila ang producto ng systemang ito!!!

Ipinakita ang mga executive na nakikinig kay Elton may bahid ng hindi pagka-kumbinsi.
M.J. (duda / tila nagbiro)
- hindi ba ang mga M-Actress na ito ay mga bakla, pinagandang tawag pero mga bakla parin... (nagtawanan ang mga executives)
Elton (nagpatuloy)
- tama kayo mam, ang mga M-Actress ay pawang mga bakla,
- mga baklang tanggap na ng madla at ng lipunan bilang mga babaeng alagan ng sining.
- tignan nalang ninyo ang sitwasyon ng media ngayon,
(insert scene, habang nagpapaliwanag si Elton ipinakita sa board sa likod nito ang mga larawan ng mga nag-gagandahang M-Actress)
- ang mga M-Actress ngayon ang laman ng mga magazines, commercial, sa music at pati narin sa movies.
- nagpapatunay lang ito ng galing ng M-Actress...
- lalo na si Hanna G. na di nalang kilala dito maging sa international scene...
(insert scene, ipinakita si Hanna G. hawak ang isang international award)
- si Hanna G. ang itinuturing na pinakasikat na artista ngayon, at tama kayo isa siyang bakla---
- at isang M-Actress...


Tila natigilan ang board na seryosa ng nakikinig kay Elton.


(Insert Scene)
Ipinakita ang sumasayaw, kumakanta at umaarteng si Hanna G., boses lang ni Elton ang maririnig / nagkukuwento.
Elton (boses lang / nagkukuwento)
- si Hanna na marahil ang superstar sa ngayon,
- di na alintana ng mga tagahanga niya na isa siyang M-Actress dahil sa pino niyan kumilos, galing at talento sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte.
- ang mga tulad ni Hanna ang tinatawag na new bread of entertainers na lubusang tanggap at sinusuportahan ng masa.


(Original Scene)
Ipinakita si Elton sa harap ng panel nagsasalita.
Elton
- kung dati ang mga tulad ni Hanna ay mga komedyante lang o mga extra,
- ngayon ang mga dumadaming tulad ni Hanna o ang mga M-Actress ay nasa mainstream na at respetado sa kanilang sining.


Iniangat ni Elton ang isang card board at ipinakita sa mga executives ang picture ni Hanna hawak ang cellphone na may logo ng S Telecoms.
Elton
- ayon sa mga kumpanyang ine-endorse ni Hanna,
- tumaas ng up to 70% ang sales nila after her campaign was release in public.
- kung kukuhain natin si Hanna bilang endorser natin,
- I'm sure will get a higher percentage, knwoing were a much bigger company and how in-demand our business is.
- we just need a good endorser to complete it all and I believe Hanna G. is the one we need...


Ipinakita ang mga executive tumatango at sumasang-ayon kay Elton.
M.J. (problemado)
- alam mo naman Elton ang side ko sa mga bakla, ayoko talaga sa kanila,
- i dont like their personality and all...
- but still I'm gonna rely on you like the past twenty years that I do,
- hopefully you don't bring me down, or us down!!! (ngumiti)


Ipinakita ang ngiti sa mukha ni Elton,
Nagpalakpakan ang mga executive at nagtayuan kinamayan si Elton.

Monday, February 16, 2009

Chapter 01 - Scene 12

(connect scene---kasalukuyan)

Ipinakita ang mga luha ni Ian sa matanda na nitong mukha, malungkot nakatingin sa kawalan.
Waiter (magalang)
- man sorry po pero magsasara na po kami in less than a hour,
- may order pa po ba kayo?

Nahimasmasan si Ian mula sa kawalan at pinahid ang luha tinignan ang waiter
Ian
- hindi na, salamat!

Kumuha ng tissue at pinunasan ang luha, tumayo na at umalis ng restaurant.

Chapter 01 - Scene 11

Ipinakita si Ian nakatayo sa harap ng mga judges sabik na naghihinta sa resulta at sasabihin nga mga ito.
Judge 01 (normal lang na parang hindi nakakasakit ang tanong nito)
- bakla ka ba?

Natigilan si Ian nawala ang sabik sa mukha nito,
Pilit nilalabanan na masaktan sa tanong at kinalama ang sarili at sumagot.
Ian (normal lang)
- Oho!!!
Judge 01
- sige, thank you!
- yung susunod!


Ipinakita ang mukha ng batang Ian malungkot at tuluyan ng tumulo ang luha sa harap ng mga judges.

(connect scene---nakaraan)

Chapter 01 - Scene 10

(Flash Scene 01)
Ipinakita ang naka make-up na mga mata ni Ian nakapikit, habang humihimig naghahanda kumata.
Ipinakita sa kabuuhan ang mukha ni Ian maganda ngunit mukhang pagod na at natuyo na ng pawis ang make-up nito.
Binuksan nito ang bibig at kumanta…
Narinig sa kabuuhan ang magandang tinig nito, ipit para maging pambabae ang tinig ngunit maganda at nasa tono.
(kumanta ito ng Mariah Carey song)


(Flash Scene 02)
Ipinakita ang kamay ni Ian pumipitik-pitik.
Ipinakita ang katawan ni Ian kumekembot sumasabay sa pitik, tila kumukuha ng ritmo.
Maya-maya ay tuluyan ng nagsayaw si Ian, isang hip-hop na sayaw.
Gumagalaw ang buong katawan nito sabay sa tugtug sa isip lang niya.
Ipinakita ang magaling na pagsayaw ni Ian.
Tinapos ito sa pagtaas ng kamay niya at pag-pose.
(tulad ng pagtatapos ng practice niya sa sayaw ng like a virgin)

(Flash Scene 03)
Naka-up si Ian sa sahig malungkot na nakatingin sa kawalan.
Ipinakita ang malungkot nitong mukha, tila kumukuha ng emosyon.
Ipinkita ang malungkot nitong mga mata na nakadadala.
Maya-maya pa ay tumulo na ang luha nito.
(nakadadala ang pagluha ni Ian, puno ito ng emosyon)

Sunday, February 8, 2009

Chapter 01 - Scene 09

(Scene 09)

Ipinakita si Ian naglalakad papunta sa harap at huminto sa gitna ng mga hurado. Nguniti ngunit may bakas ng hiya ang mukha, kasama ng pagod at natuyong pawis.

Judge 01 (istriktong boses)
- pangalan, edad at bakit gusto mong mag-artista?

Ian (tila nabigla sa istriktong boses, ngunit kinalma ang sarili at sumagot)
- Christian Santos po, twenty-two --- gusto ko po sanang mag-artista para maipakita sa mundo na kakaiba ako at hindi tulad ng karamihan. (payuko-yuko tila nahihiya)

Judge 02
- anong talent mo?
Ian (may bahid ng hiya)
- marunong po akong kumanta, sumayaw at umarte...po!

Chapter 01 - Scene 08

(Scene 08)

Sa studio ipinakita ang mahabang pila at ang naiinip na mga nakapila.
Sa gitna ng pila ipinakita si Ian, hindi na mukhang maganda at pagod na.
Isang staff ang nag-aanounce na break time na at bumalik nalang after lunch.
Ipinakita ang pagod na si Ian nalungkot at may bahid na pagka-inis ang mukha.
Staff (malakas na boses)
- mga applicants break na po, balik nalang po tayo after lunch! (maangas ang staff tila pagod narin)
Narinig ang reklamo ng mga applikante.
Applicant 01 (inis)
- ano ba yan tatlong oras na tayong nakapila nag-break pa!
Applicant 02 (inis)
- ako nga hindi pa nag-aalmusal para maaga lang makapila dito (aalis na sa pila para kumain)
Applicant 02 (pinigilan ang kasama sa pila)
- teka san ka pupunta?
- hindi tayo puwedeng umalis, sa haba ng pila hindi ka na makababalik dito, pipila ka uli sa dulo...
Ipinakita ang pagod na si Ian sa likod ng mga nagkukuwento, tila gutom narin ngunit pinili na manatili sa pila.

Wednesday, February 4, 2009

Chapter 01 - Scene 07

Scene 07

Sa loob ng bus nakaupo ang batang si Ian sa pinakadulo kung saan siya lang at nag-iisa.
Ipinakita ang magandang batang si Ian nakasandal ang ulo nito sa salamin ng bus, nakatingin sa labas ng bus malalim ang iniisip. Ipinakita ang magandang reflection nito sa salamin.

Maya-maya ay may umupo sa tabi ni Ian, nilingon ito at nagulat.
Ipinakita ang konductor ng bus, pangit at nakangiti kahy Ian, tila may itinuturo ang mata nito pilyong paibaba.
Nagtataka si Ian at sinundan ng mata nito ang tinuturo.
Ipinakitang nakahawak ang konductor sa pantalon nito at hinihimas ang bukol nito sa gitna.
Konductor (nang-aakit)
- tignan mo oh! matigas nah!!!

Ipinakita ang magkahalong takot at pandidiri sa mukha ni Ian at mabilis itong tumayo at sumigaw.
Ian (nagmamadali/sumigaw)
- Mama bababa ho!!!
Sa gulat ng bus mabilis itong nag-preno.
Nasubsub ang konductor sa harap ng upuan, nag-rekalamo ang ibang pasahero na nasubsub din.
Takot at nagmamadali si Ian, naglakad papalayo sa konduktor at sa pagbaba sa bus.

Chapter 01 - Scene 06

Scene 06

Ipinakita si ian naglalakad sa ilalim ng mainit na araw, naka sombrero at jacket.
(tumugtug ang summer song)
Itinaas ni Ian ang mukha, ipinakita, ipinakita ang makapal nitong make-up na nagpaganda sa kanya.
Tinanggal nito ang sombrero at lumugay sa hangin ang maganda nitong kinulot na buhok,
Tinaggal ang jacket at ipinakita ang maganda nitong pambabaeng damit, (maganda at hindi bastusin)
At patuloy si Ian sa paglalakad, hinahabol ito ng tingin ng lahat ng madaanan.

Chapter 01 - Scene 05

Scene 05

(pag-papatuloy sa nakaraan)
Iang umaga bumaba ng hagdan ang batang si Ian, naka-jacket ballot na ballot tila tinatago ang loob na damit.
Batang Ian (nagmamadali)
- Mama alis na po ako,
- Sa bahay lang ako ng kaklase ko…


Nakayuko umiiwas na makita ang kabuohan ng mukha nito. Mabilis na lumabas ng pinto tila may tinataguan. Mabilis itong tumakbo bago pa humarap ang nanay nito sa kanya.
Ngunit sa labas nagulat ito ng mapansin ang ama nagwawalis, lalo nitong tinago ang mukha at nagpaalam.
Batang Ian (nagmamadali)
- Pa alis po muna ako…

At mas mabilis pa itong lumabas ng gate at halos tumakbo na palayo. Nagulat at napahinto ang ama nito sa pagwawalis tinignan nalang ang anak habang mabilis itong lumalayo.

Chapter 01 - Scene 04

(Nakaraan)
(Ala-Ala)

Scene 04
(tumutugtug ang kantang Like A Virgin)
Ipinakita ang magandang kamay pababa sa braso at ang naka-angat na ulo ng may-ari nito. Ng humarap ipinakita ang magandang batang bakla nakaharap sa salamin nag-emote umaarte, siya ang batang Ian.
Nagpatuloy ang kanta at nagpatuloy ang bata sa pagkanta, sumasayaw at kumekembot hawak ang suklay bilang mike. Ng matapos ang kanta nag-pose ito ng mala Marilyn Monroe sa harap ng salamin at nag-flying kiss.

Tuesday, January 27, 2009

Chapter 01 - Scene 03

Scene 03

Isang gabi sa maganda at eleganteng restaurant.
Ipinakita and relo ni Elton at ang oras, quarter to nine.
Ipinakita ang inis at galit na mukha nito mag-isa sa lamesa at nag-aantay.
Dumating si Ian papalapit kay Elton maganda sa elegante nitong damit at paglalakad.
Itsurang pinaghalong inis at galit ang mukha ni Elton ng makita si Ian dahan-dahan naglalakad papunta sa kanya.
Mula sa pagkembot ng puwet nito sa paglalakad hanggang sa pag-upo nito sa harap ni Elton at mapang-asar na ngiti, tila nang-iinis.
Elton (inis)
- Hindi ba sinabi ng sekretarya mo na alas-siyete ang meeting natin?
Ian (nang-iinis / nanglalandi)
- Nasabi niya---
- Yun nga lang hindi ko pinansin,
- Bakit ngayon sekretarya mo na ang tumatawag sa akin, dati lagging ikaw ang tumatawag for a meeting.
- Mas gusto ko sana kung ikaw!
Elton (nam-bara)
- Bakit hanggang ngayon ba umaasa ka parin Ian?


Nawala ang mapang-asar na ngiti ni Ian, tinamaan sa sinabi ni Elton, uminom ng alak at nainis na ang mukha nito.
Ipinakita ang tila napangiting mukha ni Elton sa pang-babara kay Ian.
Pinili ni Ian na alisin ang inis na mukha at ibinalik ang mapang-asar na ngiti.
Ian (nang-iinis)
- Bakit hindi ka yata nagmamaka-awa ngayon para sa kumpanya mo?
- Magagalit si M.J. niyan hindi mo sinusunod at ginagawa ang trabaho mo!
(mapang-asar na ngumiti)

Nanatili ang nang-iinis na ngiti ni Elton at tila pina-guwapo nito ang mukha at bumulong malapit kay Ian.
Elton (mahinang tinig)
- Kaya mo ba tinatanggihan ang S Telecoms para lagi tayong magkita ng ganito?

Tuluyan ng nainid si Ian at tumayo ito para umalis napigilan ng mag-salita muli sa Elton.
Elton (nagpaliwanag)
- Niyaya lang kita sa meeting na ito para personal kong sabihin sa iyo na hindi ka na anmin pipilitin na kunin ang mga artista mo para sa ads naming.
- Ito na ang huli nating meeting Ian!

Natigilan si Ian at tila nalungkot sa narinig, nanatili itong nakatayo nakatingin kay Elton.
Elton (pagpapatuloy)
- Kung ano man ang dahilan mo para tanggihan ang S Telecoms!
- Kung galit ka man sa ginawa nila sa iyo noon o kung gusto mo lang akong makita ng madalas---
- Hanggang ditto nalang ang lahat ng iyon Ian!


Tila may lungkot sa mga mata ni Ian di mapigil ang gumigilid na luha sa mga mata nakatingin kay Elton.
Elton (pagpapatuloy)
- Pipilitin ko ang S Telecoms na kuhain si Hanna Garcia para maging endorser naming.

Natigilan si Ian at tila bumalik ang sigla nito at nang-iinis na tumawa, muling umupo sa harap ni Elton.
Ian (masaya / nang-aasar)
- Kukuha kayo ng M-Actress para maging endorser ninyo?
- Ganyan ka na ba ka-desperado Elton at ang kumpanya mo para gawin yun?
- Sige na nga Elton,
- Dahil may pinagsamahan naman tayo at ang kumpanya nyo bibigyan ko na kayo ng artista, pero hindi si Shana Galvez hah…
- Siguro si Leah Madrid nalang siya yung pangalawa sa pinak sikat kong artista.
Elton (nagmatigas)
- Hindi na Ian, hindi na naming kailangan sino man sa mga artista mo!
Ian (nabigla)
- So desidido ka nga Elton?
- Alam na ba ng S Telecoms at ni M.J. ang plano mo?
Elton (desidido)
- Ako ng bahala doon, pipilitin ko sila hanggang sa pumayag sila,
- Huwag lang na paulit-ulit tayong magkita ng ganito…


Natigilan si Ian at tuluyan ng nainis at napuno ng galit.
Ian (galit / sumisigaw)
- So anong pinapalabas mo?
- Ginaganyan mo ako gayung sa mga katulad ko rin naman ikaw hihingi ng tulong.
- Sige lang kumuha ka ng mga M-Actress, tignan natin kung ano ang magiging kalabasan ng kumpanya mo!

Pinagtitinginan na ng lahat sina Elton at Ian, tumayo na si Elton para umalis sa kahihiyan.
Ian (pahabol bago tuluyan ng umalis si Elton)
- Siguradong magiging katawa-tawa ang lahat. (humalakhak)

Natigilan si Elton at bumalik sa table ni Ian, tumayo sa harap nito at kalmadong may sinabi.
Elton (kalmado)
- Ano bang nangyari sa iyo sa ibang bansa Ian?
- Bakit bumalik ka ng ganito?
- Hindi na kita kilala…


Natigilan si Ian sa sinabi ni Elton at tuluyan ng gumilid ang luha sa mata nito, tila nakonsensiya.
Elton (pagpapatuloy)
- Kung tanggap na siguro noon ang mga M-Actress,
- Siguro naging isa na sa kanila ang dating Ian!


Sa pagtalikod ni Elton at tuluyan ng pag-alis, din a napigil ni ian ang pagtulo ng luha, nasaktan sa sinabi ni Elton, tumititig sa kawalan.

Sunday, January 25, 2009

Chapter 01 - Scene 02

Scene 02

Isang tanghali sa business capital Makati. (Ipinakita ang mga matataas na building). Sa isang opisina ipinakita ang pangalan ng S Telecoms. Sa isang opisina ipinakita ang pangalan sa harap ng lamesa at ang matandang nakaupo sa harap nito.
“CEO - M.J. Santos”

M.J. (galit)
- sa ikaapat na pagkakataon tinaggihan nanaman tayo ni Ian.
Ipinakita ang nasa harap nito isang may edad narin ngunit guwapong lalaki, mukhang inis at nagpapaliwanag.
Elton (kalmado)
- Bakit ho kasi pinagpipilitan natin ang agency na iyon na mag-provide sa atin ng mga artista for our ads.
- Malaki naman ang entertainment industry ng bansa siguradong meron pa tayong ibang artista na makukuha.

Lalong nagalit ang mukha ni M.J. sa paliwanag at sinabi ni Elton.
M.J. (galit)
- Alam mo ba yang sinasabi mo Elton?
- And lahat ng mga sikat na artista at modelo ay hawak ni Ian at nasa utos niya.
- Kung may makukuha man tayong ibang artista na hindi niya hawak, starlet yun o M-Actress.
Elton (napaisip at nag-rason)
- Bakit hindi Mam!
- Ang mga M-Actress ang mga sumisikat ngayon,
- Nabalitaan ko na kuha nila ang simpatya ng masa at ng idustriya.
- Bakit hindi ho natin subukan mam, more companies are hiring M-Actress for their ads and yet their supported and claiming income.
M.J. (irita)
- Ano bang sinasabi mo Elton?
- Malaking kumapanya ang S Telecom at hindi ako susugal…
Elton (mapilit)
- No Mam, think again---
- Hindi na pangit o negatibo ang tingin ng tao ngayon sa M-Actress,
- Makabago na ang panahon ngayon at lubusan na silang tinanggap ng lipunan.
- Kung makukuha nating maisponsoran ang pinaka-sikat na M-Actress tulad ni Hannah Garcia, hindi na natin kailangan pang mag-makaawa kay Ian!
- Like other company na gumamit ng M-Actress as their endorser malalaman ng mga tao na tanggap natin sila at kikita pa tayo dahil in-demand talaga sila.
- Ito pa Mam, makakabawi pa tayo kay Ian dahil hindi na natin kailangan ang mga artista niya dahil may mas sikat pa tayong endorser kaysa sa mga artista niya.
M.J. (bored)
- Tapos ka na ba Elton?
- Makipag-set ka ng dinner kay Ian!
- Gumawa ka ng paraan para makuha nating endorser si Shana Galvez.


Ipinakita si Elton tinitimpi ang inis at galit, umiwas at lumabas ng opisina isinara ang pinto. Sa labas nito dinaanan ni Elton ang isang malaking T.V. kung saan ipinakita ang isang magandang M-Actress sa commercial. (parehong M-Actress sa magazine sa table ni Ian)

Chapter 01 - Scene 01

(Start)
(Chapter 01 - "Ian")


Scene 01
Ipinakita ang mga kamay ng tila matandang lalaki binubuksan nito ang sulat, pinunit ang gilid nito at inilabas ang sulat, binasa.
Ipinakita ang nagbabasa, isang may edad na lalaking bakla sa elegante nitong itsura, mukhang professional at mayaman.
Napangiti ng mapusok ang may mga guhit ng katandaan nitong mukha.
Kinuha nito ang telepono at tumawag sa sekretarya niya.
Sekretarya (sa kabilang linya)
- yes, mam Ian!!!
Ian (masayang tinig)
- Tulad ng dati sabihin mo sa S Telecoms na hindi puwede ang sinumang artista natin.
Ibinaba ang telepono patuloy ang Masaya at tuso nitong ngiti.
Ipinakita ang kabuohan ng opisina at ang panagalan nito sa pader sa likod ni Ian.
“Dream Agency”
At ang pangalan ng may ari at presidente nito sa harap ng lamesa.
“Christian “Ian” Santos – President”
Ibinagsak ang sulat sa lamesa sa ilalim ng magazine kung saan nakalarawan ang isang magandang babae, isang M-Actress.

Opening - Scene 02

(Title)
(Casting)

(hindi ipinakita sa lahat ng eksena kung sino ang matandang lalaki)
(Flash Scene 01)
Sa banyo, sa lababo---hinuhugasan ng mga kamay panlalaki at may edad na ang isang malaki at makapal na kandila. (Dalawang dangkal ang laki at isang kamao ang kapal)
Dumadaloy sa tubig ang dugo habang patuloy ang paghugas sa kandila.

(pinatugtug ang mabilis na orchestra music habang naglilinis)
(Flash Scene 02)
Binuksan ang ilaw sa living room, ipinakita ang malaking kuwarto magulo at puno ng mantsa ng dugo ang paligid. Ipinakita ang mantsa ng dugo sa sofa, carpet at sa front table.

(Flash Scene 03)
Kinuha ang mga may mantsa na gamit, mula sa sofa cover at carpet. Pinunasan ng basahan ang frnt table kumalat ang mantsa ng dugo sa pagkuskus.

(Flash Scene 04)
Sa banyo inihagis ang lahat ng mga may mantsang sofa cover, carpet at mga basahang ginamit sa pagkuskus. Binuhusan ito ng tubig at kumalat ang dugo kasabay ng agos ng tubig. Binuhusan ito ng sabon kinalat sa mga may mantsang tela. Yumuko at kinuskus ng mga kamay ang lahat ng may mansta, nagmamadali.
Naghanap sa paligid nakita ang toothbrush, kinuha ito at pinagkuskus sa mga telang may mantsa. Mabilis sa pagkuskus ngunit tila nahirapan at galit itong hinagis.
Sandaling tumigil tila naiyak ang matanda, umikot uli ito at naghanap, nakita sa sulok ang malaking brush panlaba, kinuha ito at muling nagkukuskus nagmamadali.

(Flash Scene 05)
Naglatag ng bagong carpet, nagmamadali inapakan ito at pinatag.
Pinalitan ng cover ang sofa, naipit ang kamay nito at nasaktan, napamura at nagpatuloy sa pagpapalit.
Ipinatong ang kandilang nahugasan na sa malinis ng front table inyos para maging pantay.
Ipinakita ang living room mula sa kaliwa papuntang kanan, malinis na at napaka-ganda.
Sandaling tumigil, at pinatay ang ilaw---dumilim bahadya ang buong kuwarto.
Isinara ang pinto at tuluyan ng dumilim.
Kumidlat at lumiwanag sandali ang kuwarto, sa pagtatapos ng kidlat muli napuno ito ng dilim.

Opening - Scene 01

(Opening)

Malakas ang ulan sa harap ng isang residential building, isang madilim na gabi. Kumulog at sandaling lumiwanag and harap ng building---
Sa harap nito ipinakita ang isang matandang lalaki nakatalikod naka suot pambabae. (eleganteng damit)
Dahan-dahan itong naglakad papasok sa building. (nakatalikod)
Patuloy ang malakas na kulog at pakurap-kurap na liwanag ng kidlat.
Walang tigil ang patak ng malakas na ulan.
Ilang hankbang pa nadulas and lalaki, lumagapak ang puwet nito sa semento.
Nasaktan ang lalaki nakaupo sa semento tila umiiyak, patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan kasabay ng kulog at kidlat.
 
online counter