Tuesday, March 17, 2009

(Scene 03)

(Nakaraan)


Ipinakita ang S-Telecom building, sumunod na ipinakita ang opisina ni M.J.. Ipinakita si ang medyo bata pang si M.J. may ini-interview. Nakatalikod ang ini-interview suot ang panlalaking pormal na damit at maiksi nitong pang-lalaking buhok. Ipinakita ang ini-interview ang batang si Ian, guwapo at lalaking lalaki ang itsura.
M.J. (seryoso)
- you know what, I don’t like your personality!!!


Walang kagatol-gatol si M.J. na sinabi ito. Natigilan si Ian sa narinig nagulat at napahiya.
M.J. (seryoso / nagpatuloy)
- siguro kaya walang tumatanggap sa iyong trabaho because of that.


Patuloy pang nagsalita si M.J. ng masasakit ngunit parang nawala ang boses nito kay Ian, hindi na ito marinig ngunit patuloy parin natuon ang atensiyon nito ditto, tinatanggap ang bawat sinasabi.
M.J.
- sige pag may nag-back out sa mga newly hire, I’ll take you,
- that’s if may nag-back out…


Narinig na ni Ian ang huling sinabi nito, napangiti si Ian sa tila nakabitin na pag-asa.
Ian (masaya)
- salamat po, salamat…
M.J. (nagpaalala)
- no, no everything uncertain for now…
- hindi ka pa hire, ang sabi ko pag may nag-back out.
Ian (masaya)
- naiintindihan kop o, at salamat po,
- kahit papaano po may pag-asa na magka-trabaho po ako.
- tanong ko lang po, (nahiya ngunit nag-tanong narin)
- akala ko po hindi ninyo ako gusto,
- bakit ninyo po ako binigyan ng pag-asa.
M.J. (seryoso)
- kasi mukha kang tatanga-tanga at masunurin…


Napangiti nalang si Ian kahit tila nainsulto ang pagkatao niya.

Chapter 03 - Scene 02

(Scene 02)


 
Sa opisina ni Ian, kina-usap nito si Ayan. Nakaupo si Ian sa upuan nito natatayo sa harap nito sa table si Ayan.
Ian (bossy)
- ngayong araw din na ito ka mag-sisimula.


Ipinakita si Ayan nagulat sa narinig.
Ian (pagpapatuloy)
- ang pag-aartista maraming hirap, pagod at sakripisyo---
- bago mo marating ang kasikatang hinahangad moh.
- marunong ka bang umarte, kumanta, sumayaw o mag-model?
Ayan (nahiya)
- sa totoo po niyan, hindi kop o pinangarap maging artista,
- gusto ko lang ng normal na buhay,
- maayos na trabaho, maka-tulong sa pamilya ko
- at kung papalarin gusto ko sanang makapag-asawa.
Ian (sumingit / napangiti)
- hindi siguro babae ang iniisip mong mapangasawa?


Tila napahiya si Ayan sa sarkastikong pag-ngiti ni Ian, napayuko nalang ito.
Ian
- sorry Ayan…
- sa totoo lang ganyan din ako dati,
- gusto kong makatulong sa pamilya ko at mag-ilusyon na may lalaking ituturing ako na asawa,
- isang normal na buhay sa hindi normal na tulad ko---
- tulad natin…

Tila nalungkot si Ian sa sinabi. Si Ayan naman ay inangat ang ulo at malungkot na tumingin kay Ian.
Ian (malungkot)
- bago ka mabulag ng mga pangarap at ilusyon mo,
- gusto kong wag kang umasa na mangyayari sa iyo ang mga pangarap mo---
- o magka-totoo ang mga ilusyon mo.
- dahil sa umpisa palang na sinilang tayo,
- ang mga tulad natin---
- ipinag-kait na sa atin ang dapat sanang ikaliligaya natin…


Naipon ang pinipigil na luha ni Ian saka tumulo sa pag-pikit nito ngunit madaling pinahid at ikinubli. Tila naintindihan ito ni Ayan malungkot na napatingin kay Ian. Mabilis na pinahid ni Ian ang mga luha at kinalma ang sarili, muling kina-usap si Ayan.
Ian
- sige, mukha namang mag-sisimula tayo sa umpisa sa iyo.
- for 6 months bago ka i-launch na artista ng “Dream Agency”,
- kailangan mo ng workshop, sa singing, dancing, acting at modeling.
- for 6 months you’ll be relocated sa condominium na malapit dito.
- for 6 months condo at workshop lang ang pupuntahan mo.
- magpa-alam ka na sa pamilya mo dahil sa 6 na buwan na iyon dapat ang lahat ng atensiyon mo ay nasa workshop.
- that means you can’t be distracted by your family or anyone---
- no connection at all,
- ok ba yun!!!


Tila nalungkot si Ayan sa narinig ngunit tinaggap ito at tumango.
Ian (nagtataka)
- kung wala sa intensiyon mo ang pagiging artista,
- well then bakit ka nandito?
Ayan (malungkot)
- wala ho kasing trabahong tumatanggap sa akin!!!


Natigilan si Ian tila may naalala sa narinig mula kay Ayan. Si Ayan tila nahihiya, may gusting itanong.
Ayan (nahihiya)
- itatanong ko lang ho,
- marami naman pong maganda at mas may potensiyan kaysa sa akin,
- bakit ho ako pa ang napili ninyo?


Napangiti si Ian tila may naalalang parehong sitwasyon at tumingin kay Ayan, seryoso.
Ian
- mukha ka kasing tatanga-tanga at masunurin…

Saturday, March 7, 2009

Chapter 03 - Scene 01

(Chapter 03 : Ayan)



(Scene 01)
Isang umaga, naglalakad si Ian sa hallway ng kumpanya, bossy at itsurang maldita---kasunod nito sa likuran ang magandang si Ayan, mahiyain at itsurang mabait. Lahat ng nakakita kay Ayan ay nagagandahan, at yumuyuko pag-nakikita si Ian.
Ian
- simula sa araw na ito, ituring mo ng parang pangalawang bahay mo na ito,
- ito na ang naging bahay at buhay ko.
- makakamit mo ang tagumpay na hinahangad mo basta---
Huminto sa paglalakad at hinarap si Ayan. Nabigla si Ayan ngunit tinignan parin ng diretso si Ian.
Ian (pagpapatuloy)
- susundin mo lang ang mga ipagagawa ko sa iyo.
Ayan (may takot)
- sige po...
Dumating si Anne at natuwa ng makita si Ian at kaharap nitong si Ayan.
Anne (masaya)
- salamat Ian at nakinig ka rin sa akin, patingin nga---
Pinaharap sa kanya si Ayan at pina-ikot, tila naguluhan si Ayan sa mga nangyayari. Tinignan ni Anne ng malapitan sa mukha si Ayan, at pinagmasdan ito mula ulo hanggang paa.
Anne (masaya)
- maganda, maganda talaga,
- payat, hindi na natin kailangan pang papayatin,
- yung buhok pahabain nalang natin ng konti---
- grabe, gusto ko siya Ian---
Hinarap si Ian ni Anne at masaya itong binati.
Anne (masaya)
- hindi ka parin kumukupas Ian, magaling ka paring mag-hanap ng talent.
- so ano ibe-brief ko na siya sa mga gagawin at ihahanda ang kontrata?
Ian (mabilis sumabat)
- hindi Anne, gusto ko personnal ko siyang ma-handle...
- marami akong plano para kay Ayan!!!
Natigilan si Anne naka-tingin kay Ian.
Anne (nagtataka)
- ang ibig mong sabihin sa iyo siya directly,
- i mean ikaw personally ang mag-mamanage sa kanya.
Ian (desididong tumango)
- ganon na nga...
- sa akin directly mag-rereport si Ayan.
- ako ang gagawa ng booking niya, makikipag-usap sa mga cliente niya at gagawa ng reports,
- all and everything about her.
Tila hindi makapaniwala si Anne sa naririnig, nagtatakang nakatingin kay Ian. Si Ayan naman ay itsurang walang idea sa mga nangyayari nakatingin lang sa dalawa.
Anne (natuwa narin)
- good!!!
- the last time you do that eh nung nag-uumpisa palang tayo,
- its really a long time Ian, but I'm sure you can do it.
- if I could be of any help Ian, just let me know ok...
Ngumiti si Anne at tinignan si Ayan, hinawakan ito sa braso at inalalayan papasok sa opisina ni Ian.
Anne (pagpapatuloy)
- sige na iha, pumasok ka na sa opisina.
- ihahanda ko nana yung kontrata.
Pumasok si Ayan sa opisina at sumunod si Ian saka isinara ang pinto. Naiwan si Anne sa labas nag-aalala at tuluyan ng umalis.

Friday, March 6, 2009

Chapter 02 - Scene 07

(Scene 07)

Sa kanang dulong parte ng bus nakaupo si Ian, naka-sandal ang ulo nito sa salaming bintana ng bus malungkot na nakatingin sa labas. Malayo ang isip habang patuloy ang andar ng bus. Ipinakita ang matanda ng mukha nito sa reflection ng salamin, malungkot at tila puno nag hinanakit.

(Insert Scene)
(Chapter 01 - Scene 07)
Sa loob ng bus nakaupo ang batang si Ian sa pinakadulo kung saan siya lang at nag-iisa.Ipinakita ang magandang batang si Ian nakasandal ang ulo nito sa salamin ng bus, nakatingin sa labas ng bus malalim ang iniisip. Ipinakita ang magandang reflection nito sa salamin.

Patuloy ang pag-andar ng bus hanggang unti-unti ng naubos ang laman nito. Ng tila naubos na ang mga pasahero, ipinakita sa kaliwang dulong parte ng bus isang batang magandang bakla---natira kasama ni Ian sa loob ng bus. Tulad ni Ian nakasandal din ang ulo nito sa salamin na bintana ng bus, malayo ang iniisip at tila malungkot din. Ipinakita ang magandang mukha nito sa reflection ng salamin.
Konductor (magalang)
- yung bayad hoh!
Natigilan si Ian sa pagsilip sa labas ng bus at tumingin sa konductor, dinukot ang bulsa at inabot ang limang daang perang papel. Kinuha ng konductor at susuklian.
Konductor (nag-reklamo)
- wala ho bang barya?
Ian
- hindi wagnah,
- kung puwede lang dito lang ako hanggang matapos yung biyahe ninyo!

Nagtaka at nabigla ng konductor, napakamot sa ulo.
Konductor
- eh hanggang dulo nalang po kami...
Ian
- sige hanggang doon nalang din ako...

Tila naguluhan na ang konductor at umalis nalang inisip na baliw si Ian.
Sa pag-alis ng konductor napansin ni Ian ang nasa kabilang upuan ng bus. Isang batang bakla na maganda, nakasandal ang ulo sa salaming bintana ng bus, malalim at tila malungkot din. Naalala ni Ian ang sarili nung siya ay nasa parehong edad din.

(Insert Scene)
(Chapter 01 - Scene 07)
Sa loob ng bus nakaupo ang batang si Ian sa pinakadulo kung saan siya lang at nag-iisa.Ipinakita ang magandang batang si Ian nakasandal ang ulo nito sa salamin ng bus, nakatingin sa labas ng bus malalim ang iniisip. Ipinakita ang magandang reflection nito sa salamin.
Tila pinaghambing ang dalawa, halos parehong-pareho, ngunit mas maganda ang nasa ngayon.

Biglang narinig ang malakas na boses ng konductor.
Konductor (malakas na tinig)
- dulo na hoh!

Nahimasmasan ang batang bakla at binuhat ang malaking bag at tumayo palabas ng bus. Sinundan ito ng tingin ni Ian na tumayo narin para sundan ang bata.
Nabigla ito biglang tumambad sa harap nito ang konductor para iabot ang sukli.
Konductor
- sukli nyo po,
- sa susunod po barya lang...

Ngunit hindi ito pinansin ni Ian hinahabol ng tingin ang bata, hinawi nito ang konductor na natumba at natapon ang pera sa sahig. Kumilansing ang mga barya at hinangin ang mga papel, mabilis na umalis si Ian papalabas ng bus para habulin ang batang bakla.

Sa labas patuloy si Ian sa paghabol sa batang bakla, naabutan ito at hinarang.
Ian
- sandali lang...
Ayan (nabigla)
- bakit ho?
Ian
- gusto mo bang mag-artista iha?

Tila may saya na sa mukha ni Ian habang si Ayan naman ay nagugulat at nagtataka sa mga nangyayari. Ipinakita ang magandang ngiti ni Ian, sa unang pagkakataon at ngumiti ito ng tila puno ng pag-asa.

Chapter 02 - Scene 06

(Scene 06)

(Kasalukuyan)
Sa labas ng parking lot ipinakita si Ian nakatayo tila tulala at wala sa sarili, habang patuloy ang pagdaan ng mga sasakyan sa harap nito. Humihinto ang mga taxi ngunit hindi nito pinapansin. Maya-maya ay may humintong bus sa harap nito at bumukas ang pinto. Ngunit patuloy parin na tulala si Ian, hindi alintana ang nag-aantay na bus.
Driver (malakas na boses)
- ano ba sasakay ka ba?
Tila nahimasmasan si Ian at napatingin sa driver ng bus, nagulat ito ng makita ang bus sa harap niya. Bumusina ang sasakyan sa likod ng bus at nagulat si Ian.
Driver (malakas na boses)
- anak ng puta, bahala ka na nga diyan!
Saktong sasara na ang pintuan ng bus ng harangin ito ni Ian at sumakay ng bus.

Chapter 02 - Scene 05

(Chapter 05)

(Nakaraan - Pagpapatuloy)
Ipinakita si Ian biglang sinampal ng malakas, tumagilid ang mukha nito sa lakad ng sampal. At sumigaw ng cut ang director.
Director (sumigaw)
- cut!!!

Ipinakita ang ang kabuohan ng shooting si Ian at ang actress na si Dina sa harap ng malaking production crew nagsho-shooting.
Director (malakas na boses)
- masyadong mabilis at malakas yung sampal Dina,
- medyo hinaan mo para makuhaan ng maganda...
Ipinakita si Ian inaayos yung mukha, medyo gumigilid na ang luha at namula ang gilid na mukha nito, ngunit nilabanan at nag-handa parin sa shooting.
Director (malakas na boses)
- o isa pa ha ready, take two Dina...
Ipinakita umayos muli ang lahat at tumahimik ang paligid, lumapit ang eksena kinah Ian at Dinah. Tila handa na ang lahat ng sampalin muli ng mas malakas pa ni Dina si Ian, tumagilid ang mukha nito---sadyang masakit yung sampal.
Director (sumigaw)
- cut, cut, cut...
- Dina, wala pa yung take---
- nasan na ba yung clapper...
Gumulo muli ang shooting, ipinakita ang kabuohan ng set.
Dina (nagreklamo)
- kasi naman kala ko take na, tumahimik na kasi...
- Direk, masakit na po yung kamay koh!
Naglapitan ang karamihan sa mga staff kay Dina may dalang basang basahan para sa kamay nito. Ipinakita si Ian nakatagilid ang mukha, tumulo na ang luha sa pulang-pula nito mukha.
Director (malakas na boses)
- sige break muna...
- oh yung double palitan ng bago baka nasaktan na yan!
Lumayo ang eksena ipinakita ang kabuohan ng shooting. May lumapit na isang staff kay Ian tinanggal ito sa set samantalang sa kabila si Dina pinagkakaguluhan ng mga staff inaalagaan.

Tuesday, March 3, 2009

Chapter 02 - Scene 04

(Scene 04)

(Nakaraan)
Ipinakita ang dalawang matandang lalaki nag-uusap, sa gilid ang batang si Ian maganda at naka-ayos.
Talent Scout (nakiki-usap)
- sige na direk para namang wala tayong pinag-samahan niyan,
- pasok mo ng extra itong bago koh.
Director (problemado)
- sabi ko batang babae hindi bakla,
- magagalit yung producer niyan eh!
Talent Scout
- hindi naman halata di ba?
- ikaw nga hindi mo napansin kung hindi ko sinabi eh!

Ipinakita si Ian nanliliit naririnig sa tabi ang usapan ng dalawa.
Director
- nung malayo hinid ko napansin,
- eh nung lumapit na walang dede kaya halatang bakla.
- eh puro close-up ang shot ko eh!
Talent Scout
- di lagyan natin ng bra tapos lagyan natin ng foam,
- sige na direk, matagal naring walang project ang agency ko! (nagmakaawa)
Director
- ikaw kasi bakit nagdala ka, bakla pa!

Tumingin yung director kay Ian at nilapitan ito, nakatutuk sa mukha nito, kinilatis ng mabuti. Nahiya si Ian pero nilabanan ito at tumingin din sa director.
Talent Scout
- sabi mo kasi maganda eh!
- tignan mo Direk, di ba maganda?
- kung tutuusin nga mas maganda pa yan sa bida mong si Dinah!
Ipinakitang lumiit ang mata ng direktor nakatingin sa mukha ni Ian, lumayo at tumnago pagsang-ayon.
Director
- makapal ba ang mukha mo?
Nabigla si Ian, nagunit matapang na tumango.

Monday, March 2, 2009

Chapter 02 - Scene 03

(Scene 03)

Isang gabi, ipinakita si Ian wala sa sarili naglalakad sa parking lot papunta sa kotse nito.
Ipinakita ang malungkot nitong mukha at basa sa luhang mukha.
Huminto sa may pinto ng kotse, kinuha sa bag ang susi, hindi makita---binaliktad ang bag natapon ang lahat ng laman nito sa sahig.
Yumuko at dinampot ang lahat ng nahulog at ang susi nito, pag-aangat ng mukha natigilan sa nakita sa harap nito.
Ipinakita ang mukha niya may edad na at malungkot nakatingin sa reflection niya sa bintana ng kotse.
Lalong nadagdagan ang lungkot sa mukha nito at tuluyan ng tumulo ang mga luha at napa-upo sa sahid.
Tuluyan na itong bumigay sa pag-iyak.
Ian (umiiyak)
- hindi ako kukuha ng bakla,
- hinding, hindi...

Ipinakita si Ian nakaupo sa semento sa tabi ng kotse nito, umiiyak habang papalayo ang sitwasyon.

Chapter 02 - Scene 02

(Scene 02)

Ipinakita ang comercial ng S-Telecoms si Hanna napaka-ganda hawak ang cellphone.
Mula sa T.V sa opisina ni Ian ipinalalabas ang commercial, hanggang sa ipinakita sina Anne at Ian nanunuod nito.
Ipinakita ang inis at galit sa mukha ni Ian habang pinanunuod ang commercial, umiwas ito at nagbasa nalang ng dyaryo.
Ipinakita sa huling pagkakataon ang magandang mukha ni Hanna at ang S-Telecom na panagalan sa baba ng mukha nito, pagtatapos ng commercial.
Namatay ang T.V., ipinakita si Anne hawak ang remote at tumingin kay Ian tila inis at naninisi ang mga tining nito.
Anne (Inis)
- inutusan ko na yung mga agent natin na maghanap ng mga aspiring M-Actress na puwede nating ipangtapat diyan kay Hanna.

Ipinakita si Ian nagbabasa at tumigil dahan dahang galit na tumingin kay Anne.
Anne
-Hindi ako papayag na maungusan tayo ng ibang artist agency, dahil makitid ang utak ng bussiness partner ko.
- Sa huling check ko tayo ang nagunguna na artist agency sa bansa,
- Pero dahil sa mga M-Actress ng ibang agencies unti-unti na nila tayong naabot.
- Yung S-Telecoms nalang ang tanging company na hindi gumagamit ng M-Actress tinanggihan mo pa, alam mo ba kung magkano ang nalugi sa atin dahil doon.
(kumalma at binanba ang tinig)
- At alam mo rin bang hindi na si Shana ang no. 1 o pinakasikat na artista ngayon.
(kinuha ni Anne ang binabasa ni Ian at isinara ito, ipinakita kay Ian ang front cover si Hanna)

Ipinakita si Ian nakatingin sa magazine kung saan naka-cover ang maganadang si Hanna.
Anne (nagpatuloy sa mahinahong tinig)
- Ian, alam kong pera rang ang ipinuhunan ko sa kumpanyang ito,
- Sa iyo lahat ito resulta ng dugo't pawis mo.
- Yung pera ko pera lang yun pero sa iyo buhay mo ito Ian, hahayaan mo bang mapunta sa wala ang lahat.
- Kailangan nating kumuha ng M-Actress na ipangatatapat kay Hanna, pumayag ka na Ian,
- Please!!!

Ipinakita ang galit na mukha ni Ian nakatingin kay Anne, tumayo ito at kinuha ang bag para umalis.
Magsasalita pa sana si Anne pero napatigil ito ng tumigil din si Ian sa may pinto nakatalikod Kay Anne.
Ian (galit/nanindigan)
- Hindi, hindi ako kukuha ng bakla!!!

Mula sa nakatalikod na si Ian, ipinakita ang mukha nito galit ngunit may bahid na nasasaktan, sabay sa unti-unting pagtulo ng luha nito.
Sabay sa tuluyan na nitong pag-alis at malakas na pagsara sa pinto.

Chapter 02 - Scene 01

(Chapter 02 - "M-Actress")



(Scene 01)
Ipinakita si Elton sa harap ng meeting room, nagsasalita sa harap ng mga executives.
Elton (desidido)
- M- Actress o Makabagong Actress,
- sila yung mga new generations of artist that are making waves in the country...
- ika nga nila lahat ng bagay ay nag-eevolve---
- at sila ang producto ng systemang ito!!!

Ipinakita ang mga executive na nakikinig kay Elton may bahid ng hindi pagka-kumbinsi.
M.J. (duda / tila nagbiro)
- hindi ba ang mga M-Actress na ito ay mga bakla, pinagandang tawag pero mga bakla parin... (nagtawanan ang mga executives)
Elton (nagpatuloy)
- tama kayo mam, ang mga M-Actress ay pawang mga bakla,
- mga baklang tanggap na ng madla at ng lipunan bilang mga babaeng alagan ng sining.
- tignan nalang ninyo ang sitwasyon ng media ngayon,
(insert scene, habang nagpapaliwanag si Elton ipinakita sa board sa likod nito ang mga larawan ng mga nag-gagandahang M-Actress)
- ang mga M-Actress ngayon ang laman ng mga magazines, commercial, sa music at pati narin sa movies.
- nagpapatunay lang ito ng galing ng M-Actress...
- lalo na si Hanna G. na di nalang kilala dito maging sa international scene...
(insert scene, ipinakita si Hanna G. hawak ang isang international award)
- si Hanna G. ang itinuturing na pinakasikat na artista ngayon, at tama kayo isa siyang bakla---
- at isang M-Actress...


Tila natigilan ang board na seryosa ng nakikinig kay Elton.


(Insert Scene)
Ipinakita ang sumasayaw, kumakanta at umaarteng si Hanna G., boses lang ni Elton ang maririnig / nagkukuwento.
Elton (boses lang / nagkukuwento)
- si Hanna na marahil ang superstar sa ngayon,
- di na alintana ng mga tagahanga niya na isa siyang M-Actress dahil sa pino niyan kumilos, galing at talento sa pagkanta, pagsayaw at pag-arte.
- ang mga tulad ni Hanna ang tinatawag na new bread of entertainers na lubusang tanggap at sinusuportahan ng masa.


(Original Scene)
Ipinakita si Elton sa harap ng panel nagsasalita.
Elton
- kung dati ang mga tulad ni Hanna ay mga komedyante lang o mga extra,
- ngayon ang mga dumadaming tulad ni Hanna o ang mga M-Actress ay nasa mainstream na at respetado sa kanilang sining.


Iniangat ni Elton ang isang card board at ipinakita sa mga executives ang picture ni Hanna hawak ang cellphone na may logo ng S Telecoms.
Elton
- ayon sa mga kumpanyang ine-endorse ni Hanna,
- tumaas ng up to 70% ang sales nila after her campaign was release in public.
- kung kukuhain natin si Hanna bilang endorser natin,
- I'm sure will get a higher percentage, knwoing were a much bigger company and how in-demand our business is.
- we just need a good endorser to complete it all and I believe Hanna G. is the one we need...


Ipinakita ang mga executive tumatango at sumasang-ayon kay Elton.
M.J. (problemado)
- alam mo naman Elton ang side ko sa mga bakla, ayoko talaga sa kanila,
- i dont like their personality and all...
- but still I'm gonna rely on you like the past twenty years that I do,
- hopefully you don't bring me down, or us down!!! (ngumiti)


Ipinakita ang ngiti sa mukha ni Elton,
Nagpalakpakan ang mga executive at nagtayuan kinamayan si Elton.
 
online counter