Sa kanang dulong parte ng bus nakaupo si Ian, naka-sandal ang ulo nito sa salaming bintana ng bus malungkot na nakatingin sa labas. Malayo ang isip habang patuloy ang andar ng bus. Ipinakita ang matanda ng mukha nito sa reflection ng salamin, malungkot at tila puno nag hinanakit.
(Insert Scene)
(Chapter 01 - Scene 07)
Sa loob ng bus nakaupo ang batang si Ian sa pinakadulo kung saan siya lang at nag-iisa.Ipinakita ang magandang batang si Ian nakasandal ang ulo nito sa salamin ng bus, nakatingin sa labas ng bus malalim ang iniisip. Ipinakita ang magandang reflection nito sa salamin.
Patuloy ang pag-andar ng bus hanggang unti-unti ng naubos ang laman nito. Ng tila naubos na ang mga pasahero, ipinakita sa kaliwang dulong parte ng bus isang batang magandang bakla---natira kasama ni Ian sa loob ng bus. Tulad ni Ian nakasandal din ang ulo nito sa salamin na bintana ng bus, malayo ang iniisip at tila malungkot din. Ipinakita ang magandang mukha nito sa reflection ng salamin.
Konductor (magalang)
- yung bayad hoh!
Natigilan si Ian sa pagsilip sa labas ng bus at tumingin sa konductor, dinukot ang bulsa at inabot ang limang daang perang papel. Kinuha ng konductor at susuklian.
Konductor (nag-reklamo)
- wala ho bang barya?
Ian
- hindi wagnah,
- kung puwede lang dito lang ako hanggang matapos yung biyahe ninyo!
Nagtaka at nabigla ng konductor, napakamot sa ulo.
Konductor
- eh hanggang dulo nalang po kami...
Ian
- sige hanggang doon nalang din ako...
Tila naguluhan na ang konductor at umalis nalang inisip na baliw si Ian.
Sa pag-alis ng konductor napansin ni Ian ang nasa kabilang upuan ng bus. Isang batang bakla na maganda, nakasandal ang ulo sa salaming bintana ng bus, malalim at tila malungkot din. Naalala ni Ian ang sarili nung siya ay nasa parehong edad din.
(Insert Scene)
(Insert Scene)
(Chapter 01 - Scene 07)
Sa loob ng bus nakaupo ang batang si Ian sa pinakadulo kung saan siya lang at nag-iisa.Ipinakita ang magandang batang si Ian nakasandal ang ulo nito sa salamin ng bus, nakatingin sa labas ng bus malalim ang iniisip. Ipinakita ang magandang reflection nito sa salamin.
Tila pinaghambing ang dalawa, halos parehong-pareho, ngunit mas maganda ang nasa ngayon.
Biglang narinig ang malakas na boses ng konductor.
Konductor (malakas na tinig)- dulo na hoh!
Nahimasmasan ang batang bakla at binuhat ang malaking bag at tumayo palabas ng bus. Sinundan ito ng tingin ni Ian na tumayo narin para sundan ang bata.
Nabigla ito biglang tumambad sa harap nito ang konductor para iabot ang sukli.
Konductor
- sukli nyo po,
- sa susunod po barya lang...
Ngunit hindi ito pinansin ni Ian hinahabol ng tingin ang bata, hinawi nito ang konductor na natumba at natapon ang pera sa sahig. Kumilansing ang mga barya at hinangin ang mga papel, mabilis na umalis si Ian papalabas ng bus para habulin ang batang bakla.
Sa labas patuloy si Ian sa paghabol sa batang bakla, naabutan ito at hinarang.
Ian
- sandali lang...
Ayan (nabigla)
- bakit ho?
Ian
- gusto mo bang mag-artista iha?
Tila may saya na sa mukha ni Ian habang si Ayan naman ay nagugulat at nagtataka sa mga nangyayari. Ipinakita ang magandang ngiti ni Ian, sa unang pagkakataon at ngumiti ito ng tila puno ng pag-asa.
No comments:
Post a Comment