Sa opisina ni Ian, kina-usap nito si Ayan. Nakaupo si Ian sa upuan nito natatayo sa harap nito sa table si Ayan.
Ian (bossy)
- ngayong araw din na ito ka mag-sisimula.Ipinakita si Ayan nagulat sa narinig.
Ian (pagpapatuloy)
- ang pag-aartista maraming hirap, pagod at sakripisyo---- bago mo marating ang kasikatang hinahangad moh.
- marunong ka bang umarte, kumanta, sumayaw o mag-model?
Ayan (nahiya)
- sa totoo po niyan, hindi kop o pinangarap maging artista,- gusto ko lang ng normal na buhay,
- maayos na trabaho, maka-tulong sa pamilya ko
- at kung papalarin gusto ko sanang makapag-asawa.
Ian (sumingit / napangiti)
- hindi siguro babae ang iniisip mong mapangasawa?Tila napahiya si Ayan sa sarkastikong pag-ngiti ni Ian, napayuko nalang ito.
Ian
- sorry Ayan…- sa totoo lang ganyan din ako dati,
- gusto kong makatulong sa pamilya ko at mag-ilusyon na may lalaking ituturing ako na asawa,
- isang normal na buhay sa hindi normal na tulad ko---
- tulad natin…
Tila nalungkot si Ian sa sinabi. Si Ayan naman ay inangat ang ulo at malungkot na tumingin kay Ian.
Ian (malungkot)
- bago ka mabulag ng mga pangarap at ilusyon mo,- gusto kong wag kang umasa na mangyayari sa iyo ang mga pangarap mo---
- o magka-totoo ang mga ilusyon mo.
- dahil sa umpisa palang na sinilang tayo,
- ang mga tulad natin---
- ipinag-kait na sa atin ang dapat sanang ikaliligaya natin…
Naipon ang pinipigil na luha ni Ian saka tumulo sa pag-pikit nito ngunit madaling pinahid at ikinubli. Tila naintindihan ito ni Ayan malungkot na napatingin kay Ian. Mabilis na pinahid ni Ian ang mga luha at kinalma ang sarili, muling kina-usap si Ayan.
Ian
- sige, mukha namang mag-sisimula tayo sa umpisa sa iyo.- for 6 months bago ka i-launch na artista ng “Dream Agency”,
- kailangan mo ng workshop, sa singing, dancing, acting at modeling.
- for 6 months you’ll be relocated sa condominium na malapit dito.
- for 6 months condo at workshop lang ang pupuntahan mo.
- magpa-alam ka na sa pamilya mo dahil sa 6 na buwan na iyon dapat ang lahat ng atensiyon mo ay nasa workshop.
- that means you can’t be distracted by your family or anyone---
- no connection at all,
- ok ba yun!!!
Tila nalungkot si Ayan sa narinig ngunit tinaggap ito at tumango.
Ian (nagtataka)
- kung wala sa intensiyon mo ang pagiging artista,- well then bakit ka nandito?
Ayan (malungkot)
- wala ho kasing trabahong tumatanggap sa akin!!!Natigilan si Ian tila may naalala sa narinig mula kay Ayan. Si Ayan tila nahihiya, may gusting itanong.
Ayan (nahihiya)
- itatanong ko lang ho,- marami naman pong maganda at mas may potensiyan kaysa sa akin,
- bakit ho ako pa ang napili ninyo?
Napangiti si Ian tila may naalalang parehong sitwasyon at tumingin kay Ayan, seryoso.
Ian
- mukha ka kasing tatanga-tanga at masunurin…
No comments:
Post a Comment